Saturday, September 4, 2010

Kuro kuro, chismis, paninirang puri

May malaking isyu, at ang isyung ito ay inulan ng luha at laway. teka lang, laway?
oo laway. hindi na siguro maiiwasang sa bawat isyu ay may tsismis na nakadikit.
ewan ko ba, akala ko nung una ung mga nasa telebisyon lang ay artista, yun pala
ikaw at ako, pwede na!

nakakatawa man isipin na sa bawat galaw mo ay may mga matang nagmamatiyag sayo.
minamasdan bawat kilos mo at naghihintay ng pagkakamali upang mayroon lamang mapagusapan sa barkada.
kahit siguro ang pagdukot mo ng iyong kulangot ay nagiging isyu na at ang masaklap pa, ito'y ikakalat nila
sa buong iskwela. may mas malala pa, nung una dumukot ka lang ng kulangot. tapos pagdating dun sa isa, pinunas mo daw sa katabi mo. tapos nung dumating sa pinakahuling tao na napagsabihan, kinain mo pa daw ito.
YUCCKKYYY!!! oo nga naman, kadiri talaga! pero bakit mas naging kadiri pa? eh diba dahil sa kanila?

oh well, sabi nga ng iba, look at the bright side na lng daw. anu naman kung natsismis ka, dating mo naman pangartista?


ay naniwala ka naman, oh sige magpakatanga ka. jan ka na nga, bahala ka na!

2 comments: